Binata na dumaranas ng depresyon , natagpuang patay sa Bicol River sa Camarines Sur

NAGA CITY- Lumulutang na bangkay ang nakita ng residente sa San Mateo, Camaligan Camarines Sur, Huwebes ng umaga.

Suot nito ang itim na sando, printed na shorts at nasa 30-35 anyos ang edad base sa pisikal na itsura nito.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Ilang oras ang nagdaan,  tumungo sa himpilan ng pulisya ang ginang na residene ng Sabang , Naga City. Nakilala niya na ang nakita sa ilog ay ang kaniyang  anak ang na si “Val” hindi buong pangalan, 22-anyos.

Ayon sa ginang dumaranas ng depresyon ang binata, ayaw kumain, at hindi natutulog.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Huli itong nakita noong Nobyembre 8, 2022 bandang alas-2 ng madaling araw habang nasa may riprap ng Bicol River.

Sa eksaminasyon ng Municipal Health Office ng Camaligan, nakitang walang sign of struggle.