Menor de edad, patay matapos na aksidenteng mahawakan ang kuryente sa Guinobatan, Albay

Dead on arrival sa ospital ang menor de edad na lalaki matapos makuryente sa P-5, Brgy. Muladbucad Pequeño, Guinobatan, Albay.

Kinilala ang biktima na si alyas “Mike” 17 anyos residente ng P-4 ng nasabing barangay.

Ayon sa report, bandang alas-7:40 ng gabi nang personal na ipaalam ng kapatid ng biktima sa Guinobatan MPS ang tungkol sa nangyaring isidente.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Sa salaysay nito, habang naglalakad pauwi ang kanyang kapatid bitbit ang mga kahoy na panggatong kasama ang kanyang kaibigan, aksidenteng nahawakan ng biktima ang nakasabit na kawad ng kuryente na nasa daan.

Read More:  Iloilo barangay councilor nabbed in buy-bust, ₱2.24M worth of shabu seized

Dahil dito, nakuryente ang biktima na naging dahilan ng kanyang pagbagsak sa lupa.

Agad na itinakbo sa ospital ang bikitma upang bigyan medikal na atensyon, ngunit idineklarang dead on arrival ng attending physician.