Binata, arestado sa drug buy-bust operation sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Tiklo ang isang binata matapos magpositibo sa drug buy-bust operation sa Purok 5, Brgy. 49, Bigaa, Legazpi City, Albay.

Kinilala ang suspek na si alyas “Nilo”, 33 anyos at residente ng nasabing barangay.

Read More:  ₱2.2-M shabu seized; ex-police, seaman among 5 arrested in Iloilo

Ayon sa report, gabi nang arestohin ng kapulisan ang suspek matapos nitong pagbentahan ang poseur buyer ng isang heat-sealed transparent plastic sachet na may laman na hinihinalang “shabu.”

Read More:  Policewoman, 3 others arrested in Davao Oriental cigarette sting

Nasa 0.8g ng shabu ang nakuha ng mga otoridad na nagkakahalagang mahigit sa PHP5,000 at aabot sa PHP3,000 bilang buy-bust money.

Sa ngayon, ang suspek ay nasa kustodiya na ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.