LEGAZPI CITY – Arestado ang isang binata matapos mag-amok sa Purok 3, Brgy. Pigcale, lungsod ng Legazpi.
Kinilala itong si Lee Jomar Pasaca y Ecal, 33 anyos, residente ng nasabing barangay, habang ang nagrereklamo naman ay si Marvie Bombales y Ecal, 26 anyos, parehong residente ng nabanggit na barangay.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Legazpi CPS na lumikha ng kaguluhan sa harap ng bahay ng nagreklamo ang suspek na noo’y may patalim at lango sa alak.
Nagsisisigaw umano ito at nag-iskandalo dahilan upang magkaroon ng kaguluhan.
Agad na rumesponde ang mga opisyal sa barangay at inaresto ang suspek dahil sa mga alarma at paglabag sa Batas Pambansa No. 6 na may kinalaman sa pagdadala ng mga patalim o armas.
Agad na dinala ang suspek sa nabanggit na himpilan para sa kaukulang disposisyon.