Isa nang ganap na tropical depression o bagyo ang binabantayang isang low pressure area sa labas ng bansa.
Huli itong namataan s alayong 2,615 kilometro, silangan ng Central Luzon.
Maliban pa rito, patuloy pa ring binabantayan ang isa pang LPA sa loob ng PAR sa layong 800 kilometro, silangan ng extreme Northern Luzon.
May isa pang LPA sa layong 1,435 kilometro, silangan ng Eastern Visayas.
Samantala, sa oras na mag-develop bilang bagyo ang naturang mga LPA, ‘o ‘di kaya nama’y pumasok na ng PAR ang bagyo, ano man ang mauna ay tatawagin itong Bagyong Julian.
Sa ngayon – nakaa-apekto pa rin ang bumabalik na intertropical convergence zone o ITCZ sa bahagi ng Palawan, Bisayas, at sa Mindanao.