Nilinaw ng BDO Unibank Inc. na wala itong idinagdag sa kanilang liability clause sa kanilang terms and conditions, matapos ang naganap na unauthorized bank transfers sa isang “Mark Nagoyo” account.
Marami sa mga kliyente ng BDO ang apektado sa naturang insidente ng pangha-hack.
Bilang tugon sa online posts na biglang nag-update ng terms and conditions ang Banko ay sinabi ng BDO na bahagi talaga ng regular compliance sa banking industry ang liability cluase.
Sa ilalim ng T&Cs ng BDO na naka-post sa official website nito ay sinabi ng bangko na hindi ito liable para sa kahit anong loss o damage na may koneksyon sa implementasyon ng mga transaksyon sa pamamagitan ng electronic banking services nito.
Kumalat ito sa social media matapos aminin ng BDO na nakaapekto sa kanilang mga kliyente ang tinatawag na “sophisticated fraud technique”.
