Bill sa libreng edukasyon sa mga senior citizens, isinusulong sa Kamara

Inihain ni Quezon City Representative Patrick Michael Vargas sa Kamara ang panukalang batas na layong magbigay ng libreng edukasyon para sa mga senior citizens sa bansa.

Sa kanyang House Bill No. 3639 o ang Free Education for Senior Citizens Act, nakasaad na walang babayarang tuition fee ang mga nakatatandang nais makabalik sa pag-aaral.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Sakop ng panukalang ito ang mga senior citizens na planong pumasok sa elementarya, sekondarya, maging sa tertiary at sa mga educational institution na maituturong na pampubliko o pinopondohan ng gobyerno.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Ang lahat ng mga senior citizens na makaka-avail ng nasabing educational program ay kailangan pa rin namang mag-comply sa mga admission requirements ng mga paaralan.

Sa oras na maisabatas, inaatasan ang Department of Education at ang Commission on Higher Education (CHED) na bumuo ng mga panuntunan ukol sa panukala.
#