6 million housing units, target itayo ng DHSUD

Target ng Department of Human Settlements and Urban Development na makapagtayo ng aabot sa anim na milyong housing units sa buong bansa sa ilalim ng Marcos Administration.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni DHSUD Assistant Sec. Avelino Tolentino na ang hakbang na ito ay mula sa kanilang Pambansang Pabahay Para sa Pilipino housing program.

Read More:  DENR monitors poor water quality near Navotas Landfill

Ayon kay Asec. Tolentino, isang milyong bahay sa kada isang taon ang balak nilang maitayo para sa naturang programa.

Binigyang diin niya na hindi lamang nila ito nakikita bilang isang solusyon sa pabahay, kundi malaki rin ang maitutulong nito sa paglago ng ekonomiya.

Read More:  Comelec insists 2028 national elections will push through

Sa ngayon, sinabi ng opisyal na natalakay na nila ang nasabing housing program sa mga town mayors at provincial governors para sa inaasahang suporta ng mga ito.
#