Nutrition Council, pabor sa planong ibalik ang nutribun

Pabor ang National Nutrition Council sa plano ni Senadora Imee Marcos na ibalik ang nutribun feeding program sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Asec. Azucena Dayangharang, ang Executive Director ng Nutrition Council na pabor sila sa balak na ito ng mambabatas lalo pa’t nagbalik na muli sa mga paaralan ang mga estudyante.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Aniya, mahalaga na maintindihan ang problema ng bansa pagdating sa malnutrisyon kaya naniniwala siyang ang pagbabalik ng Nutribun Feeding Program ay isa sa mga posibleng susi para mapababa ang antas ng malnutrisyon sa Pilipinas.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Ito rin daw ay isang magandang istratehiya para ma-focus ang mga batas sa pagkain ng masusustansya na mabuti sa kanilang katawan.

Samantala, masaya namang iniulat ni Asec. Dayangharang na naging matagumpay ang kanilang programa nitong nakaraan na ‘Tutok Kainan Program’.
#