Camarines Norte una umanong probinsiya sa Bicol na nakumpleto ang pagbabayad ng honoraria ng mga gurong nagsilbi sa katatapos lang na Halalan

CAMARINES NORTE- Ibinida ng Commission on Elections na ang Camarines Norte umano ang unang lalawigan sa Bicol na nakakumpleto sa pagbabayad ng honoraria ng mga gurong nagsilbi sa katatapos lang na May 9, 2022 elections.

Ayon kay Basud, Camarines Norte Election Officer IV Virgilio Veras, miyembro ng Comelec Speaker’s Bureau na bukod sa nauna sa pagbibigay ng honoraria sa mga guro ay ito rin umano ang unang nakakumpleto ng Final testing and Sealing.

Batay umano ito sa Post- Election assessment ng Regional Office.

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

Sabi ni Veras, nais daw talaga ng Comelec na hangga’t maari ay maibigay talaga agad ang honoraria ng mga guro para naman masuklian ang pagpapagod ng mga ito.

Kinikilala umano ng komisyon ang papel na ginampanan at sakripisyo ng mga gurong nagsilbing Electoral Board.

“Gusto ng commission talaga na hanggang maaari mabayaran agad para naman masuklian yung mga pagpapagod ng ating mga guro in particular dahil kung wala sila hindi magiging maayos ang election natin di ba, importante ang papel na ginampanan ng ating mga guro nung nakalipas na eleksyon kaya dapat naman ma- compensate agad, mabayaran agad,” ani Veras.

Read More:  UP-Cebu alumnus who campaigned for free education killed in Negros encounter

Samantala tiniyak rin ng komisyon na handa nitong ibigay ang inaprubahang karagdagang honoraria sa ilang mga guro na na- extend ang oras ng pagsisilbi sa eleksyon dahil sa mga nangyaring aberya.

Gayunman, sa kaniya umanong area of responsibility sa Basud ay hindi naman nag- extend ng mahabang oras ng serbisyo ang mga guro dahil hindi tulad sa ibang bayan, wala naman aniyang nangyaring malaking aberya.