PISTON, magkakasa ng bagong transport strike sakaling itutuloy ang PUV modernization sa Disyembre

Posibleng mauwi sa tigil-pasada ang huling aktibidad ng isang transport group sa bansa bago matapos ang taon.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Mody Floranda, National President ng PISTON, sinabi nito na hindi sila nagkulang sa pagpapahayag ng kanilang panawagan kaugnay sa deadline ng Public Utility Vehicle (PUV) Modernization program sa Disyembre 31.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Ayon kay Floranda, majority ng mga pampublikong sasakyang sa bansa ay mga traditional Jeep pa rin kaya kanilang hinihiling na huwag ng ituloy ang PUV modernization lalo na’t hindi kakayananin ng mga simpleng driver at operator ang presyo ng pagkuha ng mga electric jeep na iniaalok ng gobyerno.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Kung maalala, tiniyak ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na tuloy ang pag-arangkada ng PUV modernization sa katapusan ng taon at wala ng makapipigil sa pagbuo ng kooperatiba o korporasyon ng mga jeepney drivers, bilang bahagi ng naturang programa.