Lagpas na sa 100 thousand na indibidwal sa City of San Fernando ang naturukan na ng unang dose Covid-19 vaccine.
Sa datos na inilabas ng City Health Office, nasa 117, 998 ang kabuuang bilang ang nabigyan na ng 1st dose.
Sa bilang na ito, 60, 773 ang fully vaccinated na ng nasabing bakuna.
Samantala, sa mahigit 200 libong populasyon ng syudad, 48% na ang nagpabakuna ng unang dose habang 25% ang naturukan na ng ikalawang dose.
Sa ngayon, mayroon pang 6, 041 na 1st dose vaccine ma stock ang lungsod habang 27, 130 pa ang stock na 2nd dose vaccine.
