Bilang ng mga tinamaan ng Pertussis sa Bicol, sumampa na sa 88

BNFM Bicol—SUMAMPA na sa 88 ang kabuoang kaso ng Pertussis sa Bicol Region.

Dahil dito ang Albay ay mayroon nang 34, Camarines Sur na may 26, Sorsogon na may 23 at dalawa naman sa Masbate at isa sa Camarines Norte.

Batay sa naitala ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) ng Department of Health o DOH Bicol katuwang ang Philippine Integrated Disease Surveillance and Response Database Catanduanes na lamang ang natitirang lalawigan sa Bicol na Zero-Pertussis case.

Ang mga datos ay ang pinagsamang Clinical at Laboratory confirmed cases simula Enero 1 hanggang Hunyo 8 ng kasalukuyang taon.

Ang Pertussis o whooping cough, ay isang malubhang nakakahawang impeksyon sa respiratory na dulot ng bacteria na Bordetella Pertussis nakaraniwang nakakaapekto sa mga bata, partikular na sa mga sanggol at batang wala pang kumpletong bakuna na kumakalat naman sa pamamagitan ng droplet transmission.

Kaugnay nito patuloy ang pagsasagawa ng DOH Bicol ng mga aksyon kagaya ng contract tracing sa mga direktang nakasalamuha ng mga nagpositibo para sa agarang medikasyon. ### KENNETH BERMIL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *