Aplikasyon para sa project marites ng DTI- Kalinga

Aplikasyon para sa Project MARITES NG DTI-Kalinga, pinalawig Pinalawig hanggang ika-14 ng Hunyo taong kasalukuyan ang aplikasyon para sa Project MARITES o Mobilizing Available Resources through Inclusive Training on Entrepreneurship of Students-grantees ng Department of Trade and Industry Kalinga.

Maaaring mag-apply sa nasabing proyekto ang mga kabataang edad 18 hanggang 30 kung saan mayroong 15 slots na natitira para sa pagsasanay. Layunin nitong makapagbigay ng kaalaman sa mga kabataan at malinang ang kakayahan nila sa pagnenegosyo.

Maliban sa ilang konsepto ng negosyo na ituturo ay mabibigyan din ang mga benepisaryo ng rosources na kanilang kakailanganin sa pagsisimula ng kanilang negosyo.

Ang tentative na schedule ng pagsasanay para sa nasabing proyekto ay sa ika-22 hanggang 26 ng Hulyo ngayong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *