63 mula sa halos 400 napaulat na nasawi, nakumpirma ayon sa NDRRMC

Naiulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na umabot na sa 63 ang bilang ng fatalities mula sa Bagyong Odette nitong Miyerkules.

Mula ito sa 59 na naitala ng NDRRMC noong Martes.

Read More:  CAAP tightens preparations for Super Typhoon Inday

Kinumpirma rin ng ahensya na mayroon pang 12 katao ang nawawala habang 74 naman ang sugatan mula sa pananalasa ng bagyo sa maraming lugar sa Mindanao at Visayas noong December 17.

Patuloy naman bineberipika ng NDRRMC ang 334 na napaulat na nasawi, 71 nawawala, at 1,073 na sugatan.

Read More:  Sandiganbayan denies Revilla’s request to attend brother’s wake

Karamihan sa mga nasawi ay nalunod, nabagsakan ng puno, na-trap sa debris ng gumuhong mga imprastraktura, at natabunan ng landslides.