Bicam aprubado na ang panukalang 2022 National Budget

Aprubado na ng Bicameral Conference Committee ang panukalang 2022 National Budget.

Ito ay matapos magplantsa ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang ilang hindi napagkakasunduang pondo para sa maga ahensiya at programa ng pamahalaan.

Read More:  VP Sara Duterte’s reported request to meet Marcos called ‘fake news’

Kabilang sa mga kontrobersiyal na pondo ay ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Mula sa P10.8 billion nagkasundo ang mga mambabatas na gawin itong 16.9 billion dahil na rin sa kahilingan ni Pangulong Duterte.

Read More:  Lawmaker urges House action on school safety bill after Zamboanga shooting

Una nang sinabi ni Senate Finance Committee Chairman Sonny Angara na agad nilang ipapadala sa Malacañang ang ratified version ng panukalang batas upang mapag-aralan at malagdaan na ni Pangulong Duterte.