Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines ang paglalagay ng “sovereignty marker” sa isang isla sa lalawigan ng Tawi-Tawi.
Layon umano nito na mas palakasin pa ang mga karapatan sa soberanya ng bansa sa pinakatimog na hangganan nito.

Ang marker ay inilagay noong Marso 7 sa Panggungan Island, bahagi ng Barangay Datu Baguinda Puti sa bayan ng Sitangka, malapit sa Celebes Sea na nasa hangganan ng Malaysia.
Ayon kay AFP 2nd Marine Brigade at hepe ng Joint Task Force Tawi-Tawi Gen. Romeo Racadio, ang paglalagay ng landmark ay isa sa mga makabuluhang milestone sa kasaysayan ng lalawigan, dahil pormal nitong itinatag ang solidong paninindigan sa lugar. matatagpuan sa pinakatimog na hangganan ng kapuluan ng bansa.
Dagdag pa ng heneral, ipinapakita nito na ang Pilipinas ang legal na nagmamay-ari sa naturang teritoryo.