Bilang ng mga national IDs na nai-release na sa Olongapo nasa mahigit 70K na

Nasa mahigit sa pitumpong libo na mga National ID sa Olongapo ang nai-realase na ng Philippine Postal Corporation o PHILPOST Olongapo.

Ito ay base sa naitala ng opisina simula pa noong nakalipas na taon hanggang buwan ng Mayo ngayong taon.

Read More:  Philippine Army deploys additional forces to BARMM ahead of 2026 elections

Ayon kay Post Master II Virginia Mae Salang, mismong mga may-ari ng ID cards ang tumatanggap ng kanilang national ID para masigurong naibigay ito ng maayos.

Read More:  Police officer fatally stabbed while breaking up disturbance in Quirino

Samantala, pinapayuhan naman ng opisina ang iba pang mga residente na hindi pa nakakatanggap ng identification card na hintayin lamang itong i- deliver sa kanya-kanyang mga lugar.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO