Bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyong Odette, 177 na – NDRRMC

Umakyat na sa 177 ang bilang ng mga naiulat na nasawi sa pananalasa ng bagyong Odette.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) naitala rin ang 275 na nasugatan habang 38 indibidwal ang patuloy na pinaghahanap.

Read More:  Cendana seeks more mental health funds after Ateneo shooting

Sa pinakahuling situation report ng ahensiya mahigit 1.38-M indibidwal o katumabas ng 368,063 pamilya ang naapektuhan ng bagyo sa mahigit 3,000 barangay sa Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao, Soccsksargen, Caraga, at Bangsamoro.

Read More:  BIR extends tax filing deadline amid Habagat, eBIRForms issues

Sa naturang bilang 109,000 pamilya pa ang nanatili sa mahigit 2,500 na mga evacuation centers.

Inihayag naman ng NDRRMC na sa 239 lungsod at bayan na nakaranas ng power interruption, nasa 34 na mga lugar pa lang ang naibalik ang supaly ng kuryente.