Andanar umapela ng presensiya ng mga sundalo sa Siargao dahil sa looting incidents

Nanawagan ng karagdagang tulong si Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar para sa mga residente ng Siargao Islands na isa sa mga lugar na labis na nasalanta ng bagyong Odette.

Kabilang sa mga kailangan ng mga biktima sa lugar ayon kay Andanar ay pagkain, tubig, kumot, tents, generators, gasolina, solar panels at pati mga sattelite phones.

Read More:  Padilla calls for social media ban on youth amid rising school violence

Maliban dito hiniling din ng kalihim sa Armed Forces of the Philippines na magpadala ng contingent upang mapigilan ang kaguluhan sa lugar dahil sa looting.

Read More:  Cendana seeks more mental health funds after Ateneo shooting

Ayon kay Andanar hindi na makontrol ang mga tao at wala na din itong pakundangan sa panglo-loot.

Isa sa mga nakikitang solusyon ni Andanar para sa maiwasan ang looting ay ang pagbibigay ng pagkain sa bawat pamilyang biktima ng bagyo lalo na ngayong papalapit ang Pasko.