Fireworks manufacturers, umapelang huwag nang tangkilikin ang substandard na paputok

Nanawagan ang Philippine Fireworks Association sa goberno na sana raw ay mapagbigyan na ang kanilang kahilingan na magkaroon ng sari-sariling fireworks display ang mga sibilyan sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Ito ay makaraaang ipagbawal ng ilang mga local government units (LGUs) ang pagpapaputok nang sarili, at pinahihintulutan lamang manood sa mga public fireworks display.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Sa panayam, sinabi ng tagapangulo ng grupo na si Joven Ong na makatutulong sa pangkabuhayan ng mga kapwa Pilipino kung makabibili pa rin sila ng mga paputok.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Sa huli, umapela naman si Ong sa publiko na huwag nang tumangkilik pa ng mga ipinagbabawal na paputok para makaiwas sa disgrasya.

Aniya, para masigurong ‘Happy’ ang pagsalubong ng New Year – dapat ay siguruhin ng mga Pilipino na mayroong ‘PS mark’, ‘o ‘yung Philippine Standard sticker ang mga mabibiling firecrackers.