Pinaglalamayan na ngayon ang 11- anyos na batang babae na nabangga ng kotse sa highway ng Barangay Sandoval, Roxas Palawan.
Nitong Miyerkoles, habang pauwi galing sa eskwelahan si Christine Vincua ay hinabol umano ito ng aso kaya napatakbo bago nabangga ng kotse, ayon sa kanyang tiyahin na si Lennie Vincua.
Nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at kamay ang Grade 4 pupil na biktima kaya hindi na ito umabot na buhay sa pagamutan.
Idinagdag ng tiyahin na sa January 16 ngayong taon ay death anniversary ng ina ng bata na nasawi rin sa aksidente noon.
Sa kabilang banda, hindi na magsasampa ng kaso ang mga naulila ng bata at umaasa sila sa tulong na ibibigay ng nakabangga na isang banyaga.