Bilang ng mga nagparehistro sa 2025 national at local elections – lumagpas sa isang milyon

Pumalo na sa higit isang milyon ang nagsumite ng voter’s registration form para makaboto sa 2025 local and national elections.

Sa pinakahuling tala ng Commission on Elections, nasa 1,027,572 na ang nagsumite ng kanilang aplikasyon upang maging rehistradong botante.

Read More:  Hontiveros calls out Meta over violent content after Zamboanga school shooting

Ang nasabing datos ay mula ika-12 ng Pebrero hanggang ika-6 ng Marso kung saan naitala sa CALABARZON ang pinakamaraming registration.

Read More:  DTI expands areas under 60-Day Price Freeze amid Habagat, Typhoon Impact

Inaasahan naman ng COMELEC na aabot sa 3 milyong Pilipino ang mag-aaply upang maging botante bago ang deadline ng registration pagsapit ng katapusan ng Setyembre ngayong taon.