Bilang ng mga nagkakasakit na evacuees sa Guinobatan Community College, pumalo na sa humigit-kumulang 200

LEGAZPI CITY – Aabot na sa halos 200 o kabuuang bilang na 181 evacuees ang naitatalang nagkakasakit sa loob ng evacuation center sa Guinobatan Community College ng Brgy. Mauraro simula noong Hunyo 9-14, 2023.

Ayon kay Kenneth James Miguel, Rural Health Physician ng nabanggit na bayan, karaniwan sa mga nararanasang sakit ng mga residente ay ubo, sipon, diarrhea, hypertension, skin allergy, pananakit ng ngipin at marami pang iba.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Aniya, isa sa mga dahilan, kung bakit marami ang nagkakasakit sa evacuation center ay dahil sila ay siksikan o mga dikit-dikit na pasilidad.

Karamihan din sa mga nagkakasakit ay mga bata dahil sila ang mabilis na dapuan o mahawaan.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Samantala, agad naman nila itong binibigyan gamot at inaabisuhan na rin na kung sila ay uubo kinakakailangang magtakip ng bibig, maghugas ng kamay upang maiwasan ang pagkalat ng mga sakit.

Sinabi pa ni Miguel na tuwing mayroong paglilikas sa mga barangay, inaasahan na nila na mayroong mga magkakasakit, subalit ang kagandahan ay lahat ng mga pasyente ay nakaka-recover.