CAMARINES NORTE- Umaabot na sa 10, 195 ang mga nabakunahan sa bayan ng Basud, Camarines Norte hanggang nitong October 21.
Sa bilang na ito, nasa 4, 611 na ang fully vaccinated o nakakumpleto na ng bakuna.
Pinakamarami ang nabakunahan ng Sinovac na nasa 3, 658 ang nakatanggap ng first dose habang 2, 609 naman ang naka second dose.
Nasa 1, 392 naman ang nabakunahan ng Pfizer pero 77 pa lang ang nakapag second dose.
Sa Astrazenica nasa 479 ang nakatanggap ng first dose at 467 naman ang nakapag second dose.
Marami din ang nabakunahan ng Johnson & Johnson na nasa 1, 403 na isang shot lang.
Fully vaccinated na rin ang 55 na binakunahan ng unang batch ng moderna.
Ngayong umaga ay muling magpapatuloy ang bakunahan na ginaganap sa Basud Sports Complex para sa first at second dose na karamihan ay Pfizer.
Sa buong lalawigan naman ng Camarines Norte nasa 191, 711 ang doses ng bakuna na natanggap.
Sa bilang na ito nasa 90% ang nabakunahan ng first dose habang nasa 48 % naman ang nakatanggap ng ikalawang dose.

