Bilang ng mga nabakunahan kontra COVID- 19 sa Camarines Norte sa katatapos lang na National Vaccination Days umabot lang sa 25 %

CAMARINES NORTE- Bigo ang lalawigan ng Camarines Norte na maabot ang target na bilang ng mga nabakunahan kontra COVID- 19 sa katatapos lang na ika- apat na round ng National Vaccination Days na ginawa noong nakaraang linggo.

Batay sa datos ng Department of Health sa target na 9, 294 nasa 2, 317 lang ang nabakunahan o 25 % sa pangkalahatan.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Mataas naman ang naging accomplishment sa second dose na nakapagbakuna ng 1, 512 o lumagpas sa target 1, 131.

Mababa namang masyado ang nabakunahan na senior citizen na  umabot lang sa  133 mula sa target na 1, 851 o 7 %.

Sa primary dose nasa 1, 645 ang nabakunahan mula sa target 2, 982 o 55 %.

Mababa rin ang mga nagba booster dose na nasa 439 lang mula sa target na 6, 212 o katumbas lang ng 7 %.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Sa ika- apat na National Vaccination Days ay tinarget ang lahat ng senior citizen, booster dose at ang mga kulang pa ng bakuna.

Sa buong rehiyon nasa 34. 92 % lang ang accomplishment sa ika- apat na wave ng pambansang bakunahan.