Bilang ng mga lumalabag sa traffic safety code sa Albay, ikinababahala ng APSEMO

LEGAZPI CITY – Ikinababahala ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) ang pagtaas ng bilang ng mga lumalabag sa traffic safe code sa lalawigan ng Albay.

Bukod sa tumataas ang bilang nito, tumataas din ang bilang ng mga naaaksidente sa kalsada pati na rin ang mga nasasawi.

Batay sa datos ng APSEMO traffic section, sila ay nakapagtala ng average na 1,200 traffic violators bawat linggo na may P500,000 kada linggo o halos P2.5 milyon buwanang koleksyon.

Sa datos naman mula Enero 2021 hanggang Abril 2023, nakapagtala ang lalawigan ng 125,234 kabuuang mga nahuli, mayroon ding 58,434 settled at 66,916 na unsettled violations.

Dahil dito mas pinaigting pa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay, sa pamamagitan ng APSEMO, ang sistema ng pamamahala sa trapiko ay mas hihigpitan pa ng Provincial Traffic Safety Code.

Plano rin ng APSEMO na magsagawa ng traffic education seminars o information campaign sa iba’t ibang paaralan sa lalawigan habang ang mga enforcer ay sasailalim sa refresher courses.

Magtalaga ang lalawigan ng 135 police traffic enforcers at pitong civilian enforcers na idedeploy sa 15 bayan at tatlong lungsod ng Albay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *