Bilang ng mga kalahok sa paligsahan sa Peñafrancia Festival 2024, lilimitahan

NAGA CITY- Lilimitahan ang bilang ng mga posibleng lumahok sa mga paligsahan at iba’t-ibang programa sa nalalapit na Peñafrancia Festival 2024 sa Naga City.

Ayon kay City Administrator Elmer Baldemoro, dahil sa inaasahan ang pagdami ng mga posibleng lumahok lalo na’t araw-araw ang pagdagdag ng mga nagpapalista minabuting lilimitahan upang maisagawa rin ng maaga ang mga aktibidad at maiwasan ang mahabang pila sa parade lalo na’t nais maging maayos at ligtas ang bawat isa sa mga aktibidad.

Read More:  Authorities raid Davao steel plant after alleged radioactive, substandard steel discovery
Read More:  More than 2,000 sacks of garbage collected during Dolomite Beach Clean-Up Activity

Samantala, patuloy pa rin ang mga isinasagawang pagpupulong at preparasyon sa nalalapit na mga programa kagaya ng Civic Parade, Military Parade, Fluvial Procession, Traslacion at iba pa.