Gulo ng mga gorilla, inawat ng leader ng mga ito

Kabrigada, kapag nag-away ba ang mga kaibigan mo, pipigilan mo sila?

Viral ngayon sa social media ang video ng isang silverback gorilla na inawat ang gulong sinimulan ng isa sa group members nito.

Kasalukuyang may 2.6m views ang nasabing video na may 21k likes at 1.9k reposts.

Makikita sa viral video na ito ang pag-atake ng isa sa mga mid-sized gorillas sa isa pa na may pasan na baby gorilla sa likod nito.

Agad namang umaksyon ang pinakamalaki sa kanila nang makita ang nagaganap na gulo at sinugod ng tackle ang pasaway na gorilla.

Hindi agad binitawan ng leader ang pagkapatong ng braso nito sa makulit na miyembro niya hanggang makalayo ang magnanay na gorilla. ### Nico Merciales, Intern

Screenshot from @AMAZINGNATURE