8 pagkasawi at 2 karagdagang kaso ng COVID-19, naitala sa Bicol kahapon

BNFM BICOL- Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga naitatalang COVID-19 fatalities sa Bicol Region .

Sa pinakahuling datus na naitala ng DOH Bicol kahapon, muling nakapagtala ng walong pagkasawi ang rehiyon kung saan lima nito ay mula sa islang lalawigan ng Catanduanes habang tatlo naman ang mula sa Camarines Norte.

Bunsod nito sumipa na sa 1,904 ang kabuuang bilang ng COVID-19 fatalities sa Bicol.

Read More:  UP-Cebu alumnus who campaigned for free education killed in Negros encounter

Samantala, dalawang karagdagang kaso naman ng sakit ang naiulat kahapon, kung saan ang mga ito ay nairehistro sa lungsod ng Naga at lungsod ng Legazpi.

Sa kasalukuyan nasa 3,315 ang kabuuang aktibong kaso ng COVID-19 sa Bicol mula sa 46,756 na mga naitalang kumpirmadong kaso.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Sa kabila nito, 30 indibdiwal naman ang mga bagong gumaling kung saan 15 nito ay mula sa Camarines Sur, 11 sa Naga City habang apat naman ang recoveries sa lalawigan ng Sorsogon.

Patuloy pa rin ang paalala ng DOH sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa serbisyung salud bikolnon.###