Bilang ng mga drug violators sa Bicol nitong buwan ng Hulyo, umabot sa mahigit 130

BNFM Bicol-UMABOT sa 134 ang kabuoang bilang ng mga naitala ng Philippine National Police (PNP) Bicol na mga drug violators sa buong rehiyon nitong nagdaang Hulyo.

Read More:  15-year-old admits killing mother found inside abandoned septic tank in Bohol

Sa bilang na ito, anim ang itinuturing na high-value individuals at 33 naman ang street-level individuals.

Samantala, sa ibinahaging datos ni PNP Spokesperson, Lt. Col. Malu Calubaquib, Camarines Sur ay nakapagtala ng pinakamataas na halaga ng nakumpiskang ipinagbabawal na umabot sa PHP3.8 million; sinundan ng Camarines Norte na may PHP2 million; at Masbate na mayroong PHP958,800.  ### KENNETH BERMIL

Read More:  7-meter whale shark found dead along Bacolod City coast