Higit 1.5k high value drugs suspects, naaresto sa unang 100 araw ng BBM admin – PNP

May kabuuang 1,531 high-value drug suspects ang naaresto sa unang 100 araw ng administrasyong Marcos ayon sa Philippine National Police.

Sinabi ni PNP chief Rodolfo Azurin Jr., ang mga high-value individuals ay kabilang sa 14,922 drug suspect na naaresto mula July 1 hanggang October 8.

Ayon kay Azurin, 12,321 anti-illegal drug operations ang isinagawa sa buong bansa sa nakalipas na tatlong buwan batay sa datos na isinumite ng 17 police regional offices.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Dahil rito, patuloy umano nilang paiigtingin ang pagsisikap ng kanilang hanay para sa tugisin ang mga indibidwal na sangkot sa iligal na droga.

Palalakasin rin ng PNP ang mga pagsisikap nito na maabot ang kanilang misyon sa mas ligtas, mas progresibo at drug free community.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Sa mga naunang ulat, sinabi ng PNP na nakapagtala sila ng 46 na drug suspects na napatay sa mga operasyon laban sa iligal droga.#

RELATED STORIES:

Bilang ng mga ‘drug cleared’ barangay sa bansa, pumalo na sa mahigit 26,000 ayon sa PNP