Bilang ng drug cleared barangay sa Zambales halos 70%

Umabot na sa 159 na mga barangay sa Zambales ang kabilang na sa drug cleared barangay.

Ito ay matapos na pumasa sa mga pamantayan na kailangang sundin para madeklarang klarado na ang isang lugar mula sa ipinagbabawal na droga.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Mula sa 230 baranggay sa lalawigan pumapalo na ito ng halos pitumpong porsyento.

Ayon kay PDEA Zambales Dir. Jigger Juniller, ang natitira na lamang na drug affected barangay sa probinsiya ay pitumput isa na lamang.

Samantala, kapag may naitalang active drug personality ay binibigyan ng tatlumpong araw ang barangay para mapahuli ito o kaya ay maisailalim sa intervention.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Kapag hindi ito nagawa ng barangay ay maaaring mabigyan sila ng Notice for Revocation sa pagiging drug cleared barangay kaya kailangang mamintina ito ng pamunuan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text