CAMARINES NORTE- Nakipag-uganayan ang pamahalaang panlalawigan ng Camarines Norte sa Daet District Jail kaugnay sa donasyon ng lote at pagtatayo ng bagong pasilidad sa nasabing piitan
Ang pulong ay dinaluhan din ng mga kinatawan mula sa Regional Engineer BJMP Camarines Norte, Logistics chief, Jail inspector at ni Gov. Dong Padilla.
Sa kasalukuyan, ang Daet District Jail ay mayroon na ngayong congestion rate na 864%, kaya ito ang pinakamasikip na kulungan sa Bicol BJMP. Ito ay tahanan ng 268 Persons Deprived of Liberty.
Ang pagtaas umano ng bilang ng bilangguan ay dala ng kamakailang paglilipat ng PDL mula sa Provincial Jail patungo sa BJMP.
Sinabi ni Regional Director Junior Chief Superintendent JOEL SUPERFICIAL, na ginagawa ng tanggapan ang lahat para makapagbigay ng bagong tahanan para sa PDL. Nagpapasalamat din umano ang BJMP na ang LGU ng Camarines Norte ay tumutulong upang maisakatuparan ito.
