CAMARINES NORTE- Nadagdagan pa ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID- 19 sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte na umabot na ngayon sa tatlo
Ito ay makaraang magpositibo sa sakit ang isang 71 anyos na babae mula sa Barangay 1.
Siya si Bicol No. 65255 na nasa isolation area ng Camarines Norte Provincial Hospital.
Nakaranas ng pananakit ng dibdib ang pasyente noong November 12 kaya nagpakonsulta sa ospital.
Isinailalim sa RT- PCR Test ang pasyente at lumabas ang resulta na positibo ito sa COVID- 19 noong November 16.
Dahil dito umabot na sa kabuuang 197 ang kaso ng COVID- 19 sa bayan ng Mercedes simula noong 2020.
Nasa 171 naman ang gumaling at 21 ang nasawi.
Kaugnay nito ay ipinaalala ng LGU na hindi pa tapos ang laban kontra COVID- 19.
Hinihimok ang bawat isa na makiisa at suportahan ang Pinaslakas vaccination drive.
Isa ang Mercedes sa limang bayan sa lalawigan na nagsasagawa ng Barangayang Suyod Bakuna.
