PSWDO hiniling sa DSWD na magamit ang mga datos sa Listahanan para sa mga social protection program na ipinapapatupad ng LGU

CAMARINES NORTE- Hiniling ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magamit ang datos sa Listahanan  para sa implementasyon ng mga social protection program ng mga Local Government Unit.

Sa isinagawang Provincial Advisory Committee Meeting na pinangunahan ng DSWD Provincial Operations Office kahapon na ginanap sa bayan ng Mercedes, hiniling ni Provincial Social Welfare Officer Cynthia Dela Cruz na magkaroon ng maayos na listahan ng mga benepisyaryo.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Malaking tulong umano sa Provincial Government gayundin sa mga Munisipyo ang datos na nagmumula sa Listahanan lalo na ang lista ng mga itinuturing na “poorest of the poor” na magagamit sa pagbibigay ng tulong at mga benepisyo.

Ang Listahanan ay isang information management system na nag- establish ng database ng poor households na magsisisilbing basehan sa pagtukoy sa potential beneficiaries para sa iba’t- ibang social protection programs at services.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Nangako naman ang DSWD na sa sususnod na pagpupulong ng komite ay babalangkas ito ng resolusyong pinapayagan ang LGU na gamitin ang resulta ng kanilang Listahanan database.

Kabilang sa mga miyembro ng Provincial Advisory Committee ay ang PSWDO, Provincial Health Office, Department of Health, Department of Science and Technology, Department of Education, Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at iba pang ahensiya.