CAMARINES NORTE- Pinaalalahanan ng Social Security System (SSS) ang mga miyembro nito na gagamit ng computer sa mga internet cafe para mag avail ng calamity assistance package na ingatan ang kanilang mga data o personal information.
Ito ay upang hindi makompromiso ang mga personal na impormasyon at maiwasan ang posibleng problema sa hinaharap.
Ayon kay SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo marami na umanong nangyari na na- hack ang mga personal information dahil sa hindi maingat na paggamit ng computer sa mga internet café.
Mababatid na mandatory na ang paggamit ng online platform sa pag- avail sa programa kaya ang mga miyembro ay dapat rehistrado sa SSS website sa My.SSS.Facility para maproseso ang application.
Simula kahapon, November 17 ay binuksan na ng SSS ang availment period sa dalawang calamity assistance package.
Ito ay ang Calamity Loan Assistance Program (CLAP) at three- month advance pension for SS and EC pensioners.
Batay sa circular No. 2022- 029 maaaring i- avail ng eligible member- borrowers ang nabanggit calamity assistance package hanggang February 16, 2023.
Nag- offer naman ang SSS sa mga miyembro nito na mag- aavail ng calamity assistance package na gamitin ang kanilang e- center facility para mag- registar.
Gayunman nagpauna na si Robredo na kailangang magtiyaga pagpila dahil marami rin ang mga gumagamit nitong miyembro.
