CAMARINES NORTE- Sumampa na sa 144 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte.
Batay ito sa datos ng Provincial Health Office hanggang nitong Martes, Agosto 23 na ibinahagi sa Brigada News FM Daet ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco.
Pinakamarami ang aktibong kaso ng COVID- 19 sa Daet na may 38 na sinusundan ng Jose Panganiban na mayroong 19, Vinzons 17, Labo 15 at Basud 12.
Sa Talisay ay mayroong 11, Mercedes 9, Paracale 7 tig 6 sa San Lorenzo Ruiz at San Vicente at may tig 2 kaso sa Capalonga at Sta Elena.
Umaabot naman sa kabuuang 257 ang nasawi mula noong 2020.
Pinakamarami ang bilang ng mga nasawi noong 2021 na mayroong 218 at ngayong 2022 ay may 30 habang noong 2020 ay mayroong 9.
Ang bayan ng Daet ang may pinakamaraming namatay dahil sa sakit na mayroong 67, Labo 46, Talisay 23 at tig 20 sa Basud at Jose Panganiban.
Umaabot naman sa 3, 861 ang gumaling o 90. 59 percent. Kaugnay nito patuloy ang paalala ng PHO na sundin ang minimum health standards tulad ng pagsusuot ng face mask, pag iwas sa matataong lugar at magpabakuna
