Bilang ng aktibong kaso ng COVID- 19 sa Camarines Norte bumaba uli sa single digit

CAMARINES NORTE- Bumaba uli sa single digit ang bilang ng aktibong kaso ng COVID- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte mula sa sampu noong nakatalikod na linggo.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco kaninang umaga, sinabi nito na sa ngayon ay lima na lamang ang aktibong kaso ng sakit na nagmula sa mga bayan ng Daet, Labo at Vinzons.

Ito ay makaraang matapos na ng kanilang isolation ang mga naunang nagpositibo.

Ang limang aktibong kaso ay kinabibilangan ng isang health worker at isang dalawang taong gulang na bata na nagpapagaling ngayon sa COVID ward ng CNPH.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Sa datos ng Provincial Health Office, umaabot na ngayon sa 4, 071 ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID- 19  sa lalawigan simula noong March 2020.

Sa bilang na ito nasa 3, 810 ang gumaling o 93. 59 percent habang nasa 256 naman ang nasawi o 6. 29 percent.

Pinakamaraming bilang ng nasawi noong nakaraang taon na mayroong 218 kumpara sa 29 ngayong taon.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Samantala, posibleng magpalabas ng bagong Executive Order ang Provincial Government ngayong lingo na naglalaman ng mga bagong panuntunan sa COVID- 19.

Ani, Francisco napag usapan noong isang linggo na muling magkaroon ng paghihigpit sa health protocols.

Kapansin- pansin daw kasi na masyado nang maluwag ngayon at balewala na sa iba ang mga umiiral na minimum health standards.

“Nababahala kami sapagkat hindi na nga sinusunod ng bawat isa sa atin ang  sinasabi nating minumim health standards na dapat supposed to be until now ay pina practice ng buong taga Camarines Norte.