China – bukas naman daw sa pagbalangkas ng ASEAN-China Code of Conduct sa South China Sea

Tiniyak ng China na ipagpapatuloy nito ang konsultasyon para sa Code of Conduct (COC) kasunod ng naging pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos hinggil dito sa ASEAN.

Sa isang press conference, sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Mao Ning na itutuloy ng China ang pakikipag-ugnayan kasama ang ibang ASEAN countries upang maipatupad nang maayos ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea; maisulong ang konsultasyon sa code of conduct; at magawang ‘sea of peace, friendship and cooperation’ ang South China Sea.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill
Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Mababatid na sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na dapat nang madaliin ang negosasyon para sa ASEAN-China Code of Conduct, sa gitna ng nangyayaring tensyon sa naturang katubigan.

Kaugnay nito, nanindigan naman si Mao na ang sitwasyon sa South China Sea ay ‘generally stable’.