Big-time rollback – asahan na naman sa susunod na linggo

GOOD NEWS para sa mga MOTORISTA! Dahil sa susunod na linggo ay asahan na naman ang bagong round ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo.

Sa pagtataya ng oil industry sources, posible umano ang P2.50 – P2.90 na tapyas sa kada litro ng gasolina.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Maari rin umano ang P3.20 – P3.50 na rollback sa kada litro ng diesel; habang maaari ring umabot pa ng P3.95 – P4.30 ang itatapyas sa kada litro ng kerosene.

Read More:  Gatchalian says online memes over impeachment seating hurt

Kapag nagkataon – ito na ang ikapaat na linggong sunod na rollback sa gasolina; habang ika-walong linggong sunod na linggo naman sa kerosene.

Lunes inaasahang iaanunsyo ang opisyal na price adjustments; habang Martes naman ito ipatutupad ng mga oil companies.
#