Mambabatas, hinimok ang BOC na maghain ng kaso laban sa agri smugglers

Hinimok ni Benguet Lone District Rep. Eric Yap ang Bureau of Customs (BOC) na maghain ng legal case laban sa mga agricultural smugglers, na ilegal na nag-aangkat ng agricultural products papasok sa Pilipinas, na direktang nakakaapekto sa mga local farmers.

Partikular na tinukoy ng mambabatas ang mga consignees na Veneta Consumer Goods Trading at Lalavy Aggregates Trading na kamakailan ay naharang ang shipments ng BOC–Port of Subic at ng Department of Agriculture (DA).

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Giit ni Yap, dapat masampolan ng gobyerno ang agri smugglers, at ipakita na may ngipin ang batas sa bansa.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Sinabi ng mambabatas na ang smuggled products na pula at puting sibuyas ay nagkakahalaga sa P20.19 million.

Ang smuggling umano na lampas sa P1 million na halaga ng produkto ay maikikonsiderang non-bailable offense.

RELATED STORY:

Crackdown vs agri-smuggling, paiigtingin pa; Presyo ng pulang sibuyas, bababa na – DA