Tiniyak ni US President Joe Biden na walang bagong “cold war” sa China kasunod ng conciliatory meeting kasama si Chinese President Xi Jinping.
Ang pulong ng dalawang superpower leaders ang kauna-unahang paghaharap ng mga ito mula nang maupo si Biden sa puwesto.
Natalakay din ng dalawang leader ang isyu ng North Korea at Russian invasion sa Ukraine sa Bali Indonesia isang araw bago ang G20 summit.
Matatandaan na umusbong ang tensyon noong Agosto nang dumalaw si US House Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan kung saan tinugon ng China ng large scale military exercises sa paligid ng isla na humantong pa sa pangamba na puwedeng magsagupa ang US at China.
Kinumpirma naman ni Biden na naniniwala siyang hindi sasakupin ng China ang Taiwan. (LNM)
