Palengke QR Code na isinusulong ng BSP nais din sa Naga

NAGA CITY – Nais ipa-adapt ng isang Konsehal sa Naga City, ang Palengke QR Code na isinusulong ng Bangko Sentral ng Pilipinas alinsunod sa naging Joint Memorandum Circular kasama ang Department of Interior and Local Government na-inisyu noong June 22, 2022, para sa mga nasa transport group at sa public market stole owner sa lungsod.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay City Councilor, Lito Del Rosario, Author ng bagong proposed ordinance, sinabi nitong nai-submit na nila ang proposed ordinance na ito at nasa committee hearing process pa.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Hangad ang cash less transactions lalo na para sa mga namamalengke na hindi na kinakailangan pang magdala ng pera maging sa mga sumasakay tuwing magbabayad.

May 10% incentives na ibibigay sa mga mag-aavail nitong mga stole holders na para sa kanilang mga rental maging mga driver para naman sa pagrenew ng kanilang mga permit.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Kasabay nito ang pagpapalakas ng Community Wifi sa lungsod na ilalagay sa market, terminal, at mga barangay hall.

Bukas ito para sa lahat at may app na dapat idownload, maaaring makapagbayad sa pamamagitan ng gcash o paymaya.