Naga City Government posibleng magbawas ng mga empleyado sa City Hall sa susunod na taon bilang epekto sa pagbaba ng Internal Revenue Allotment

NAGA CITY – May mga empleyado sa City Hall ang posibleng ng mawalan ng trabaho sa pagpasok ng taong 2023, ito ay epekto sa pagbaba ng Internal Revenue Allotment ng lungsod.

Karamihan sa mga empleyadong ito ay iyong mga job orders at contractual, batay sa inilabas na pahayag ni City Administrator Elmer Baldemoro.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Sinabi ni Baldemoro na kung mangyayari ito makukuha pa ang kanilang bonus, 13th month pay at iba pang cash incentives ngayong buwan ng Disyembre.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Kaugnay nito, may 44 na mga empleyado sa Naga Metropolitan Water District (MNWD) ang mapapasama na mawawalan ng trabaho, ayon naman kay MNWD Acting General Manager Jun Mongoso.

Sinabi niyang bahagi pa rin ito ng pagtitipid at pagre-recover ng MNWD.