Mga LGU’s gawing prayoridad ang paggawa ng ordinansa na maglagay ng CCTV camera sa mga business establishment – DILG BICOL

LEGAZPI CITY – Hinikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government unit (LGU) na gawing prayoridad ang paggawa ng ordinansa na maglagay ng CCT CAMERA sa mga Business Establishment.

Sa panayam ng Brigada News Fm Legazpi kay Regional Director Atty, Anthony Nuyda ng nasabing tanggapan, tanging mga malalaking establishment o malalaking kita at maraming empleyado ang nirerequire na maglagay ng kanilang cct cam sa kanilang negosyo.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Batay sa inilabas na DILG Memorandum Circular No. 2022-060, inoobliga ang mga financial establishment tulad ng bangko, sanglaan, money lenders at money remittance services, negosyo tulad ng shopping malls, shopping centers, supermarkets, at palengke.

Maliban pa rito, kailangan rin na maglagay ng nasabing gamit ang entertainment places, paliparan, public transportation terminals, parking lots, car dealerships, gasoline stations, vehicle maintenance/service stations at iba pa.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Layunin nito ay para mabigyan ng proteksyon ang mga mamimili, mga empleyado at makatulong sa pagpapabilis ng ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad. Binigyan diin ng opisyal, ang ilalagay na cctv cam sa mga business establishment ay mayroong standard na ilalagay at hindi basta basta lamang na closed-circuit television (CCTV)