Bicol region nakapagtala lamang ng 6 na bagong kaso ng COVID-19 nitong Linggo

BNFM  BICOL—Tanging anim na mga bagong kaso lamang ng COVID-19 ang naitala sa Bicol region kahapon , araw ng Linggo.

Batay sa ulat ng Department of Health, apat sa mga bagong kaso ng sakit ang naidagdag sa Camarines Sur mula sa mga bayan ng Bato, Bula, Camaligan at lungsod ng Naga.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Pawang isang kaso naman ng sakit ang naitala sa Catanduanes mula sa bayan ng Bato at sa lalawigan ng Sorsogon na mula naman sa Sorsogon City.

Dahil dito, nasa 58,937 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol kung saan 3,762 sa mga ito ang nananatiling aktibong kaso.

Nadagdagan naman ng tatlo ang mga bagong gumaling kung kaya’t  nasa 53,008 na ang kabuuang recoveries habang nananatili sa 2,167 ang bilang ng mga nasawi.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Kaugnay nito, patuloy naman ang paghikayat ng ahensya sa publiko na huwag maging kampante sa nararanasang downward trend ng COVID-19 cases sa rehiyon at bagkus ay panatilihin pa rin ang ibayong pag-iingat mula sa nakamamatay na virus.###