Bicol region, nakapagtala lamang ng 1 bagong kaso ng COVID-19 kahapon

BNFM BICOL—Nadagdagan lamang ng isang bagong kaso ng COVID-19 ang Bicol Region kahapon araw ng Martes.

Batay sa ulat ng Department of Health, tanging isang kaso lamang mula sa bayan ng Pasacao sa Camarines Sur ang naidagdag sa kabuuang 59,011 na mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Dahil dito, nasa 1,916 ang nananatiling aktibong kaso ng COVID-19 sa Bicol habang  nasa 54,821 na rin ang bilang ng mga gumaling makaraang maitala ang apat na recoveries kahapon.

Read More:  Mother killed in alleged stabbing by son in Cebu

Wala namang naiulat na bagong nasawi kung kaya’t nananatili sa 2,274 ang COVID-19 death toll sa Bicol.###