BICOL—Umabot sa 435 na mga bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Bicol region na ayon sa Department of Health (DOH), pangatlo sa pinakamataas na kasong naitala sa isang araw.
291 sa mga bagong kaso ay mula sa Camarines Sur kung saan 100 nito ay naitala sa lungsod ng Naga, 25 sa bayan ng Goa, 21 sa Minalabac, tig-16 ang Pasacao at Tigaon, 13 sa Pili, sampo sa Sipocot, pito sa Bula, anim sa Tinambac, tiglilima ang Baao, Buhi, Calabanga, Magarao at Iriga City, apat sa Cabusao, tigtatatlo ang Bato, Canaman, Libmanan at Lupi, tigdalawa ang Garchitorena at Milaor at tig-iisa ang Bombon, Ragay at San Fernando.
Ang Sorsogon ay nagtala ng 87 na mga bagong kaso kung saan 33 nito ay mula sa Sorsogon City, 13 sa Donsol, siyam sa Juban, pito sa Gubat, anim sa Bulan, lima sa Barcelona, apat sa Magallanes, tatlo sa Irosin, tigdadalawa ang Castilla, Pilar at Prieto Diaz at isa sa Casiguran.
Ang Albay ay may 37 bagong kaso kung saan pito ang mula sa lungsod ng Legazpi, lima sa Daraga, tig-apat ang Polangui at lungsod ng Tabaco, tigtatatlo ang Camalig, Pio Duran at Sto. Domingo, tigdadalawa ang Malinao, Oas at lungsod ng Ligao at tig-isa ang Guinobatan at Libon.
14 ang bagong kaso sa Camarines Norte kung saan tig-apat ang Labo at Mercedes, dalawa sa Vinzons at tig-iisa ang Basud, Daet, Jose Panganiban at San Vicente.
Tatlong kaso ang nadagdag sa Masbate na mula sa Masbate City at mga bayan ng Calveria at San Pascual. Zero new case ang Catanduanes habang may tatlong nagpositibo na mula sa labas ng Bicol.
Sa kabuuan, pumapalo na sa 29,792 ang kaso ng COVID-19 sa Bicol kung saan 21,812 na nito ang mga gumaling matapos madagdagan ng 173 na panibagong recoveries.
77 ang mga bagong gumaling sa Camarines Sur, 39 sa Camarines Norte, 38 sa Sorsogon, 15 sa Naga City at apat sa Catanduanes.
Pumalo na rin sa 1007 ang death toll matapos madagdagan ng pitong bagong nasawi kung saan apat nito ay mula sa Camarines Norte, dalawa sa Naga City at isa sa Sorsogon.
Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng DOH Bicol sa mga Bicolano an sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### || slm