BICOL—Pumalo na sa 43, 383 ang kabuuang kaso ng COVID-19 matapos magtala ng 269 na mga bagong kaso.
97 nito ay mula sa Camarines Sur kung saan 24 ang naitala sa Naga City, 18 sa Nabua, 14 sa San Jose, walo sa Canaman, lima sa Cabusao, apat sa Bombon, tigtatlo ang Milaor at Ocampo, togdadalawa ang Baao, Pili, San Fernando at Tigaon at tig-iisa ang Balatan, Buhi, Calabanga, Del Gallego, Goa, Lagonot, Ragay, Sagñay, Sipocot at Tinambac.
Ang Catanduanes ay nagtala ng 61 na mga bagong kaso kung saan 25 nito ay mula sa Virac, 15 sa Pandan, 12 sa San Andres, lima sa Gigmoto, dalawa sa Bato at tig-isa ang Baras at Caramoran.
Ang Albay ay nagtala ng 56 na mga bagong kaso kung saan 14 nito ay mula sa bayan ng Guinobatan, tig-11 ang Daraga at Legazpi, apat sa Ligao City, tatlo sa Oas, tigdadalawa ang Bacacay, Camalig, Malinao at Polangui at tig-iisa ang Jovellar, Malilipot, Maniyo, Rapu-rapu at Tiwi.
38 ang bagong kaso sa Sorsogon kung san tiglilima nito ang Bulan, Gubat at Sorsogon City, tig-aapat naman ang Casiguran, Irosin at prieto Diaz, tatl sa Juban, tigdadalawa ang Bulan, Catsilla at Donsol at tig-isa ang Magallanes at Matnog.
14 ang mga bagong kaso sa Camarines Norte kung saan tatlo ang mula sa Daet, tigdadalawa ang Labo, Mercedes at Vinzons at tig-iisa ang Basud, Jose Panganiban, Paracale, San Lorenzo Ruiz at Talisay.
Ang Masbate ay may tatlong bagong kaso kung saan dalawa ang mula sa Masbate City at isa sa Mobo.
12 ang mga bagong nasawi kung saan pito nito ay mula sa Camarines Sur at lima sa Sorsogon kung kaya pumalo na sa 1,346 ang death toll sa sakit sa rehiyon.
Samantala, patuloy pa ang validation sa reported recoveries at ilalabas na lamang sa mga susunod na oras ang ulat hinggil dito.### || slm